Abueg, Efren

0

Unang antolohiya ng kanyang mga katha ang BUGSO, ngunit marami na ring librong pinamatnugutan si Efren Abueg, tulad ng Mga Piling Akda ng KADIPAN(1964), Mga Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974 at 1993), MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Abadilla (1973).

Kinilala ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maiikling kuwento sa pagkakaloob sa kanya ng anim na Taunang Gawad Carlos Palanca (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at 1974); unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN (1957), Pang-alaalang Gawad Balagtas (1969); pangatlong gantimpala sa timpalak ng Pilipino Free Press(1969) at Mangangatha sa Tagalog (1992) ng Unyon ng Manunulat ng Pilipinas. Sa nobela naman, nagwagi siya sa timpalak ng Liwayway (1964, 1965, at 1967) at sa sanaysay ay nakamit niya ang unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN noong 1958.

Kasama sa maraming teksbuk sa Filipino ang kanyang mga nagkagantimpalang akda, aktibo siya sa pagtuturo ng wika at panitikan sa MLQ University (1965-1972), Philippine College of Commerce (1971-72), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974-77), Ateneo de Manila University (1977-78) at sa kasalukuyan, propesor siya sa De La Salle University. Naging pangulo ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL, 1986-88), at Linangan ng Literatura ng Pilipinas (Literary League of the Philippines) at direktor ng Philippine Folklore Society.

SHARE
Previous articleAlvarez, Donato
Next articleAlfafara, Epifanio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here