Antonio, Teo T.

0

Ipinanganak si Teo T. Antonio sa Sampaloc, Maynila noong Nobyembre 29, 1946. Siya ay kabilang sa mga pangunahing makata ng bansa. Tinuhog niya ang mga unang gantimpala sa mga timpalak-pampanitikan tulad ng Palanca noong 1973, 1975, 1976, 1986 at 1998. Awtor siya ng sampung aklat ng tula at ilan dito’y nagwagi ng Centennial Literary Prize noong 1998 at National Book Awards noong 1982, 1991 at 1992.

Inimbitahan siya sa Kuala Lumpur World Poetry Reading sa Malaysia noong 1996.

Tumanggap na rin siya ng pinakamatataas na pagkilala: SEAWrite Award sa Bangkok, Thailand (1995), Gawad Patnubay sa Kalingan para sa larangan ng panitikan mula sa Lungsod ng Maynila (1996), Dangal ng Lipi para sa sining at panulat mula sa lalawigan ng Bulacan (1997) at Gawad Alagad ni Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (2002). Patuloy na kinikilala ang kanyang husay sa pagtula at balagtasan hanggang sa kasalukuyan.

SHARE
Previous articleAgulto, Tomas F.
Next articleAlfafara, Sergio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here