Villanueva, Rene O.

0

Isa sa pinakamasigasig na manunulat na Filipino si Rene O. Villanueva. Nagsimula siyang kumatha ng mga dula, kuwentong-pambata at sanaysay noong magtatapos ang dekada ’70. Noong 2004, ginawaran siya ng Gawad CCP Para sa Sining (Literatura); nahirang siyang Pinakamahusay na Alagad ng Sining sa 2005 Gawad Chanselor sa UP. Kabilang siya sa unang batch ng manunulat na iniluklok sa Hall of Fame ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature; bukod sa may hawak ng dalawampu’t siyam, pinakamaraming bilang ng natamong karangalan mula sa Palanca sa buong kasaysayan ng timpalak.

Narito ang iba pang parangal na kanyang tinanggap: TOYP, New York Film and TV Festival, First Latin American Video and Film Festival (Columbia), Japan Prize (Preschool Category), Prix Juenesse Winner (Germany), TOYM, CCP, Gawad Collantes, Gantipalang Quezon, at National Book Award.

Ang Galian: Mga Akda sa Panahon ng Krisis (co-edited with Virgilio S. Almario & Michael L. Bigornia), 1983 ay isa sa mga antolohiyang pinamatnugutan niya. Sumulat din siya ng panunuring pampanitikan sa aklat na Ang Sining ng Pagkatha ng Tula at Dula (co-editor), 1987. 

Narito naman ang ilan sa mga isinulat niyang pelikula:

1990 Sa Diyos lang ako susuko (story and screenplay) 
 1988Akyat bahay gang (screenplay) 
 1987Pasan ko ang daigdig (screenplay – as Rene O. Villanueva) 
 1987Anak ng lupa (screenplay) 
 1986Gabi na, kumander (screenplay) 
 1983Laruan (story) 
 2007Roxxxanne (script consultant) 

Narito naman ang ilan sa kanyang mga aklat sa dula at teleplay:

Apat na Dula, 1998;

Teleplay (Gabay sa Pagsulat at Anim na Dulang Pantelebisyon), 1994;

Tonyo: Manologo ni Antonio Luna, 1991;

Botong, 1990; May isang Sundalo at Iba Pang Dula, 1988. 

Narito naman ang ilan sa kanyang mga aklat-pambata:

Ang Pamilyang Ismid (The Family Ismid) co-published by Cacho Publishing House and Philippine Children’s Television Foundation

Ang Patsotsay Na Iisa Ang Pakpak (The Patsotsay With Only One Wing) co-published by Cacho Publishing House and Philippine Children’s Television Foundation

Ang Prinsipeng Ayaw Maligo (The Prince Who Hated Taking Baths) published by Cacho Publishing House.

Ang Unang Baboy Sa Langit (The First Pig In Heaven) published by Cacho Publishing House. [1st Prize, Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature, children’s story, (Tagalog) 1990]

Ayokong Pumasok Sa Paaralan (I Don’t Want to Go to School) published by Cacho Publishing House.

Dagat Sa Kama Ni Troy (The Sea in Troy’s Bed) published by Cacho Publishing House.

Gusto Kong Kumain Ng Pansit Ngayon (I Want to Eat Noodles Now) published by Cacho Publishing House.

Kung Bakit Umuulan (Why It Rains) published by Cacho Publishing House.

Nagsasabi Si Patpat (Patpat Says When) published by Cacho Publishing House.

Nasaan Ang Tsinelas Ko? (Where Are My Slippers?) published by Cacho Publishing House.

Okaka-okaka published by Cacho Publishing House.

Sina Elephas At Estegodon Noon Unang Panahon (Elephas and Estegodon [Two Mammoths during Primeval Times]) published by Cacho Publishing House.

Si Inggolok At Ang Planeta Pakaskas (Inggolok and the Planet Pakaskas) co-published by Cacho Publishing House and Philippine Children’s Television Foundation

Si Paula Oink-oink published by Cacho Publishing House

Sina Linggit Laban Kay Barakuda (Linggit against Barracuda [A retelling of a folktale]) co-published by Cacho Publishing House and Philippine Children’s Television Foundation

Lumikha Ng Kuwento, Tula At Laruang Pambata (with Virgilio Almario, Annaleah Habulan, Michelle Parazo Manual)

The Rene O. Villanueva Children’s Reader (the author’s own selection of his favorite stories, poems, plays and lyrics [English and Filipino]) published by Cacho Publishing House

 

Si Rene O. Villanueva ay isinilang  noong 22 Setyembre 1954 sa La Loma, Quezon City. Nagtapos siya ng AB History sa Lyceum of the Philippines University. Siya ay pumanaw noong 5 Disyembre 2007 sa Philippine Heart Center, Quezon City. Ang kanyang mga naulila ay si Mam Anne Villanueva at ang apat nilang anak.

 

SHARE
Previous articleValdellon, Naya S.
Next articleAzucena Uranza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here