Baterna, Quin B.

0

QUIN B. BATERNA. Ipinanganak noong 4 Hunyo 1938 sa Ajuy, Iloilo at namatay noong 2010 sa Metro Manila. Sampung taong gulang pa lamang siya ay nalathala niya ang kaniyang mga tula sa magasing Yuhum. Nasa unang taon pa lamang siya ng haiskul nalalathala na ang kaniyang maikling kuwento sa magasingHiligaynon. Tagapagtatag siya ng Ilonggo Productions, isang advertising at media agency sa Lungsod Iloilo na nagprodyus ng unang pelikula sa Hiligaynon naGinauhaw Ako, Ginagutom Ako (Nauuhaw Ako, Nagugutom Ako) noong Dekada 80. Noong 1993 tumanggap siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o UMPIL. Inilathala ng University of San Agustin Publishing House ang kaniyang kalipunan ng mga maikling kuwento naBalangaw sa Tingadlaw: A Collection of Short Stories in Hiligaynon na inedit at isinalin sa Ingles ni J.I.E. Teodoro. Si Baterna ay kilala rin sa larangan ng negosyong real estate.

SHARE
Previous articleBigornia, Mike L.
Next articleBaytan, Ronald