Gonzales, Danilo Valencia

0

Ipinanganak sa San Jose, Baliuag, Bulacan noong 5 Nobyembre 1960, si Danilo Valencia Gonzales ay nag-aral ng BS Engineering sa University of the East. Kabilang ang kanyang mga tula sa Unang Bagting (1988), Parikala (1990) at sa iba’t iba pang mga aklat at pambansang publikasyon. Isa sa mga pangunahing kasaping nagtatag ng LIRA. Sa kasalukuyan, sports editor ng pahayagang Imbestigador.