Jacob, Malou Leviste

0

Si Malou Leviste Jacob ay naging resident playwright ng PETA. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Communication sa Maryknoll College (ngayon ay Miriam College). Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa larangan ng TV production at Direction sa City University of New York; at Film production naman sa New York University. Marami nang naisulat at naidireheng dulang pantelebisyon at dokumentaryong pelikula si ML Jacob. Kabilang dito ay ang Pagod na Ako, Irog, isang TV special ukol kay National Artist Amado V. Hernandez.

Ilan sa mga isinulat ni ML Jacob para sa PETA Kalinangan Ensemble angTimbangan ay Tagilid (1970), Aidao (1972, kamanunulat si Franklin Osorio),Raha Sulayman at Megat Salamat (1978) at Ang Mahabang Pagdadalawang Isip sa Maikling Buhay ng Isang Peti-Burgis (1982).

Siya ay naging guro rin sa playwriting workshops ng PETA-CITASA at naging creative consultant sa Communication Foundation for Asia.

Mula sa Juan Tamban (PETA Kalinangan Ensemble Script Series), isinulat ni Malou Jacob at pinamatnugutan ni Apolonio Bayani Chua ( PETA 1984).