Floresca, Suzette

0

Ipinanganak si Suzette Floresca (mas kilala siya sa ngalang ito) noong June 13, 1966 at kailan lamang pumanaw, October 26, 2006. Si Suzzette ay isang makata at kuwentista bago naglingkod sa SOLAIR, sa AIM, sa corporate world, at itong huli, sa NGO. Ang Alamat ng Ating Tag-araw at iba pang mga tula ay isang aklat ng kanyang mga tula na inilathala ng NCCA noong 2005. Siya ay naging aktibong kasapi ng LIRA. Naging fellow siya sa UP National Writers Workshop noong 1990.