Tan-Gonzales, Alice

0

Ipinanganak si Alice Tan- Gonzales noong 24 Hulyo 1954 sa Lungsod Bacolod. Nagtapos siya ng A.B. English sa University of St. La Salle-Bacolod, ng M.A. in Literature sa Ateneo de Manila University, at ng Ph.D. in English Studies sa University of the Philippines-Diliman. Full Professor siya ng Ingles at Literatura sa U.P. Visayas sa Iloilo. 

Apat na beses siyang tumanggap ng Cultural Center of the Philippines Literature Grants: Maikling Kuwento (1990), Nobela (1991), Dula (1994), at Dulang Pambata (1995). Maraming beses na siyang nanalo ng Gawad Palanca para sa maikling kuwento sa Hiligaynon: “Isa Ka Pungpong nga Rosas” (Isang Pumpong ng Rosas, 1997); “Mga Luha para kay Tatay Jose” (1997); “Ang Likum sang Isla San Miguel” (Ang Lihim ng Isla San Miguel, 1999); “Sa Taguangkan sang Duta” (Sa Sinapupunan ng Lupa, 2002); at “Dawata Anak” (Tanggapin Mo Anak, 2008). Ang ilan sa mga dulang nasulat niya na naitanghal ay ang sarsuwelang“Pinustahan nga Gugma” (Pinustahang Pag-ibig) at ang myusikal na “Juanita Cruz.” Noong 2009, inilathala ng Seguiban Printing ang Publishing Enterprises, Inc. sa Lungsod Iloilo ang kaniyang libro ng mga maikling kuwentong Hiligaynon na Sa Taguangkan sang Duta kag iban pa nga Sugilanon (Sa Sinapupunan ng Lupa at iba pang mga Kuwento).

SHARE
Previous articleSantos, Rolando F.
Next articleTan, Anthony L.