Reyes, Edgardo M.

0

Si Edgardo M. Reyes ay isang nobelista, kuwentista at scriptwriter sa wikang Filipino. Isa siya sa pinaka-prolific na awtor ng kanyang panahon. Karamihan ng kanyang akda ay unang lumabas sa mga magasin na Liwayway at Bulaklak. Kasapi si Reyes  sa Agos sa Disyerto anthology. 

Siya ay isinilang noong 20 Setyembre 1936 at pumanaw noong 15 Mayo 2012 sa Taytay, Rizal.

 

Bibliyograpiya

Sa Mga Kuko ng Liwanag (naging pelikula rin ito na idinerehe ng National Artist na si Lino Brocka, isinalin naman ang nobela sa napakaraming wika sa buong mundo)

Ang Mundong Ito ay Lupa

Laro sa Baga

Mga Uod at Rosas

Sa Aking Panahon

Diwalwal: Bundok ng Ginto

Isla: Si Tarzan, Si Jane at si Chito

Rosas: Mga Piling Kuwentong Puso

Hoy, Mister, Ako ang Misis Mo 

Sa Kagubatan ng Lungsod

P.S. I Love You

Boy Pana

Atsay

Maynila

Tanikala

Idol