Torralba, John Enrico C.

0

Nagtapos si John Enrico C. Torralba ng Batsilyer sa Agham sa Komersyo, Medyor sa Pamamahalang Legal sa Pamantasang De La Salle – Maynila at kumukuha ng Master sa Sining, Medyor sa Araling Filipino sa nasabi ring pamantasan. Natamo naman niya ang kanyang Sertipiko sa Pagtuturo para sa Edukasyong Sekundarya sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Dati siyang nagturo sa PAREF Southridge School for Boys, Training Associate sa Asian Council for Peoples Culture at kasalukuyang guro sa Departamento ng Filipino sa Pamantasang De La Salle – Maynila. Nakadalo at nakapagbasa na siya ng papel sa ilang kumperensya at nalathala na ang kanyang mga malikhaing akda sa ilang pambansang magazin tulad ng Sunday Inquirer Magazine , Panorama at Filmag at antolohiya tulad ng Relasyon, Aklat Likhaan (1995, 1996, 1997, 1999), Ikatlong Bagting, Ani at Wordsmith and Archipelagoes. Nanalo rin siya sa Gawad Ka Amado, Textanaga, Textula, Pandaylipi, ROAC Children’s Book Contest, at Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Ang kanyang dalawang aklat ay Ang Mga Kaibigan ni Ella (Rex Publishing, 1996) at Estranghero at iba pang Tula(NCCA, 2005).

Manunulat din ang asawa niyang si Elyrah Loyola Salanga. Sila ay naka-base sa Quezon City.