Santos, Rolando F.

0

Si Rolando F. Santos ay  naging tagapagtatag at tagapangulo ng Creative Productions Committee, Artista para sa Kultura at Dalumat ng Bayan (akdang_bayan); naging pangalawang pangulo ng Katha Young Fictionists Collective; naging board member ng Galian sa Arte at Tula (GAT) at Pambansang Unyon ng mga Manunulat (PANULAT); Miyembro ng National Committee on the Literary Arts – National Commission on the Culture and the Arts (NCLA-NCCA); Literary Operator ng Bugkos – National Center for People’s Art and Culture.

Kabubunsod noong Agosto 2005 ng CD-book niyang Byahe (nobeleta + short film na Last Trip tampok sina Beverly Siy at Abet Umil); unang aklatn niya ay Arrhythmia: Maiikling Kwento (Kalikasan Press; 1990). Si Olan din ang pinakabatang kuwentista sa Katha na naglunsad ng sariling koleksiyon; naging kapatnugot ng Habilin (Katha/Kalikasan Press) at Hasaan sa Bagong Dekada (GAT/Kalikasan Press); nalathala ang mga kuwento niya, tula at sanaysay sa iba’t ibang antolohiya, magasin at pahayagan kabilang ang Alagwa at ImpetĂș (Katha), Ani (CCP), Diyaryo Filipino, National Midweek, Pahayag, Bisig, atbp. 

Mula 1990 hanggang 1996, tatlong beses siyang nagwagi sa Palanca sa dulang pantelebisyon; nagwagi ng labingwalo pang gantimpala sa Gawad Galian, Gantimpalang Ani, Gawad Carlos Bulosan at Gawad Ka Amado para sa maikling kwento, tula, sanaysay, dula at kanta; tinanghal din siya ng Kalikasan Press bilang “Most Versatile Writer” noong 1992. 

Siya ay dating scriptwriter ng mga dramang pantelebisyon sa ilalim ng batikang direktor gaya nina Mel Chionglo, Gil Portes, Lupita Kashiwahara, Soxy Topacio, atbp. 

Ipinanganak noong Nobyembre 13, 1966 sa Maynila; may asawa at tatlong dalaginding; nakatira ngayon sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Manunulat din ang kanyang kapatid na si Aida F. Santos.