Tulaan sa Facebook 2014: Mga Nagwagi para sa Hunyo

0
10446520_819041368115068_6937724034667790029_n.jpg

Ikinagagalak ibalita ng mga tagapangasiwa ng “Tulaan sa Facebook,” isang proyekto ngLinangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang mga nagwagi para sa huling buwan ng paligsahan. Makakakuha sila ng libro galing sa University of Santo Tomas Publishing House at Ateneo de Manila University Press at ipadadala ang mga premyo sa mga nagwagi sa tulong ng JP Anthony D. Cuñada Law Office.

Ang mga mananalo sa bawat buwan ay may pagkakataong makatanggap ng mga papremyo sa huling bahagi ng timpalak: Php 4,000 (Unang Gantimpala), Php 3,000 (Ikalawang Gantimpala), at Php 2,000 (Ikatlong Gantimpala) mula sa Ayala Foundation, Inc. at JP Anthony D. Cuñada Law Office, at one-year membership sa Filipinas Heritage Library atAyala Museum.

May 113 na lahok para sa buwan ng Hunyo.

 

Apo

Di man ortopediko,

Handog ay prostetiko

Sa bayan kong nilumpo.

-Joey Tabula

 

Diplomasya sa pakikibaka

Sa bala man o itak

Karunungan mong hawak

Walang dugong dadanak.

-Mateo Escalante

 

Taymis Ten

Sa usaping talino

‘Tong gabay ni Emilio

Katumbas sampung ulo

-Greatsky Castuciano

 

Bilibid

Ating bayang bilanggo

sa salitan ng punglo,

isinalba ng lumpo.

-Anthony Baduria Diaz

 

Nang Lumuha Si Mabini

Piseta sa alampay

ay di niya ginalaw,

pawis ng inang mahal.

-Lorenzo A. Fernandez Jr.

 

– 

Ang namili ng limang diyona para sa buwan ng Hunyo ay si Enrique S. Villasis, kasapi ng LIRA. Siya ay nagwagi na sa iba’t ibang pambansang timpalak katulad ng Maningning Miclat Poetry Award noong 2011 at Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 2006, 2011, 2012, at 2013. Kasalukuyan siyang manunulat para sa ABS-CBN.

Ang Tulaan sa Facebook ay bahagi ng pagdiriwang ng taong sesquicentennial ng kapanganakan ni Apolinario Mabini. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Ayala Foundation, Inc., Filipinas Heritage Library, Ayala Museum, JP Anthony D. Cuñada Law Office, University of Santo Tomas Publishing House, at Ateneo de Manila University Press.

 

TUNTUNIN AT MGA PREMYO: http://wp.me/p326Rc-UM

MGA NAGWAGI PARA SA PEBRERO (262 lahok): http://wp.me/p326Rc-Y3

MGA NAGWAGI PARA SA MARSO (464 lahok): http://wp.me/p326Rc-ZI

MGA NAGWAGI PARA SA ABRIL (669 lahok): http://wp.me/p326Rc-119

MGA NAGWAGI PARA SA MAYO (273 lahok): http://wp.me/p326Rc-13q

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here