Paanyaya sa Performatura 2017: Performance Literature Festival

0
performatura_2017.jpg

Inaanyayahan po namin kayong lumahok sa Performatura 2017: Performance Literature Festival na nakatakdang idaos mula Marso 31 hanggang Abril 2 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at Liwasang Balagtas, Pandacan, Maynila, simula 9:00 ng umaga. Ang tema ng festival ay Sa Loob at Labas ng Bayan kong Sawi mula sa Florante at Laura ni Balagtas.

Layon nito na lalong maipalaganap sa mga kababayan natin, sa mga estudyante at guro ang pagmamahal sa panitikan at iba pang anyo ng sining sa ating bayan. Libre at bukas sa publiko ang mga pagtatanghal tulad ng oral literature showcase, film showing, pagbabasa ng tula, teatro, mini book fair, marathon reading ng mga akda ni Balagtas, cosplay contest at marami pang iba. Naka-attach po sa liham na ito ang highlights ng buong festival.

Para po makapasok sa festival ay kailangan lamang mag-donate ng isang libro, kahit anong libro po. Ang isa ay katumbas ng one day entry pass. Ang makakalap na libro ay ibibigay ng CCP sa mga aklatan ng partner communities nito.

Dalangin naming maging bahagi kayo ng Performatura 2017: Performance Literature Festival. Kung may nais linawin hinggil sa liham na ito, makipag-ugnayan po sa akin sa 0919-3175708 o sa 5515959 o sa ccpintertextualdivision@gmail.com. Bisitahin din po ang www.performatura.com para sa detalye.

 

Highlights ng Performatura 2017: Performance Literature Festival

Performatura sa CCP

Mga Pagtatanghal

·           Heber Bartolome

·           Abra

·           Juan Miguel Severo

·           Binibining Beats ng Zamboanga

·           Kontra-Gapi

·           Sanghabi

·           Teatro Balagtas

·           Jean Ariane Flores ng Laguna

·           Anino Shadowplay

 Spoken Word

·           Words Anonymous

·           Ampalaya Monologues by Theather for Alternative Platforms

·           Bukambibig

·           GUMIL ng Ilocos Region

·           NAGMAC ng Cagayan de Oro

·           The Batutes

·           LIRA

·           The Makatas

·           Voltes Vim

·           Happy Mondays

·           KM64

·           Baguio Writers Guild

·           Dumay Solinggay ng Baguio

·           White Wall

·           Alab Volunteer Group

Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at mga Gawad CCP Awardee

·           Virgilio S. Almario

·           F. Sionil Jose

·           Nora Aunor

·           Ricky Lee

·           Leoncio Deriada

Pagtatanghal ng Panitikang Oral

·           Rajji performers ng Batanes

·           Balitaw performers ng Cebu

·           T’boli chanters ng South Cotabato

Pelikula

·           Ang Kababaihan ng Malolos, directed by Sari Dalena and Kiri Dalena

·           Komikero Chronicles, produced by Sari Dalena

·           Tribu, directed by Jim Libiran

 

Performance Art

·           Tupada Action and Media Arts (TAMA)

·           Nerisa Guevarra

Natatanging Event

·           Opening of the National Artist for Visual Arts Cesar Legaspi Birth Centennial Exhibit

·           Akdang Buhay Video Launching

·           Franciscosplay Contest

·           Pag-aalay ng Bulaklak kay Balagtas

·           Lakbay-Kamalaysayan sa Pandacan

·           NBDB Book Fair

Reading Sessions

·           Kids from Dagdag Dunong Reading Center

·           Pinoy Reads Pinoy Books Book Club

·           Students of Philippine National School for the Blind

·           Women’s Playwright International

·           Pinoy Storytellers Group

·           MAFIA

Lecture-Demo

·           Poetry is Our Second Language

·           Bukanegan mula sa Ilocos Region

·           Sarsuwelang Sangang Nabali mula sa Cebu

 

Performatura sa Pandacan

Pagtatanghal

·           Teatro Balagtas

 Spoken Word

·          KWF Mga Makata ng Taon

           LIRA

Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan

·          Bienvenido Lumbera

Natatanging Event

·           Pag-aalay ng Bulaklak kay Balagtas

·           Lakbay-Kamalaysayan sa Pandacan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here