Tulaan sa Liwasan sa Mayo 19

0

Inaanyayahan ang lahat na makihabahagi sa ikalawang Tulaan sa Liwasan na gaganapin sa ika-19 ng Mayo, Biyernes, 7 n.g. sa Luneta, Maynila (Monumento ni Lapu-Lapu).

Ang Tulaan sa Liwasan ay isang proyektong binuo upang isulong ang pagtula bilang gawaing pampanitikan sa mga pampublikong espasyo. Layon nitong tipunin ang mga nais magbasa / magtanghal at makinig ng tula upang makapag-ambag sa mayamang subkultura ng mga liwasan.

Ginanap ang unang Tulaan sa Liwasan noong ika-24 ng Pebrero bilang pakikiisa sa Buwan ng Sining.

Para sa mga tanong, makipag-ugnayan kay Roma Estrada (09151968982) o kay Louise Lopez (09272742963).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here