Panulat at Pelikula: Paglulunsad ng “Ang Pag-Ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC”

0

Sino nga ba ang susunod na/sa kuwento? Para malaman, samahan kami sa paglulunsad ng nobelang “Ang Pag-Ikot ng Salapi sa Panahon ni JLC” ni Andrian Legaspi.

“Makakareleyt ka sa kahulugan ng destiny,” ayon kay Jun Cruz Reyes. Ang kuwento ay tungkol sa paglalakbay ng isang lumang-luma at naaagnas na bente pesos. Isinanobela ni Legaspi ang orihinal niyang akda na nagwagi bilang screenplay sa Gawd Palanca.

Kasabay ng lunsad-aklat ay ipalalabas din ang maikling pelikula na pinamagatang “Sa Dilim-Diliman”. Hango sa karakter mula sa nobela, ang screenplay ay isinulat ni Legaspi at sa produksyon ng PageJump Media.

Gaganapin ang paglulunsad sa Setyembre 9, 6:30 p.m., Fully Booked U-View Theater, Bonifacio High Street, Taguig. Para sa karagdagang impormasyon, mag-email sa projects@pagejumpmedia.com o bisitahin ang Facebook page na https://www.facebook.com/salapiJLC/.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here