Kumperensiya ng Baybayin sa Marinduque gaganapin

0

Magkakaroon ng pagtitipun-tipon ang mga nangangasiwa ng mga lokal na sentro ng pananaliksik sa Timog Katagalogan ngayong ika-12 hanggang 14 ng Oktubre sa bayan ng Santa Cruz, sa isla probinsya ng Marinduque. Sa pagtataguyod ng Bukluran ng mga Mananaliksik na Taga-ilog sa pakikipag-ugnayan sa Marinduque State College School of Liberal Arts at MSC Office of Research, Extension and Development ng Marinduque State College.

Hangarin ng kumperensiya sa Araling Timog Katagalogan ang magkaroon ng lunsaran at daluyan ang mga mananaliksik na makapaglimbag ng mga pag-aaral tungkol sa sining, lenggwahe, midya, paniniwala, kasarian, teknolohiya, panitikan, kasaysayan, pilosopiya at marami pang iba.

Nakatanggap ng mahigit sa 147 na abstrak ang mga patungot ng baybayin.com.ph at nagpasya ang Komite na tanggapin ang 75 nito para sa presentasyon. Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-65 taong pagkakatatag ng Marinduque State College at paghahanda sa ika-100 pagsasarili ng lalawigan ng Marinduque sa Tayabas, Batangas at Mindoro. Una sa serye ng mga aktibidad ang Kumperensiya sa Baybayin ng kolaboratib na programa ng Marindukanon Cultural at Arts Studies.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here