Alfonso I. Dacanay

Talambuhay

Isa sa mga lunsaran ng damdamin at ideya ng ilang manunulat ay ang paglikha ng mga dula. Isa sa mga kinikilalang mahuhusay na manunulat ng dula sa Pilipinas ay si Alfonso I. Dacanay.

Isa sa mga kinilalang akda ni Dacanay ang dulang First Snow of November na hango sa nobela ni Bienvenido Santos na The Day the Dancers Came. Pinarangalan ito ng unang gantimpala sa 2005 Don Carlos Palanca Memorial Awards sa kategoryang one-act play. Naisama rin ito sa inilabas na antolohiya ng mga dula ng UST Publishing na tinawag na Stage Presence: The Philippine PEN Anthology of Drama noong 2008.

Naging editor din siya ng isa pang antolohiya ng mga dula na inilabas ng UST Publishing na tinawag na 10x10x10: Sampung Tigsasampung Minutong Dula ng Sampung Mandudula. Napasama rin sa nasabing aklat ang isa pang dula ni Dacanay na Eyeball. Naging finalist din ang aklat na ito sa Manila Critics Circle noong 2005.

Popular Posts