A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Abdon M. Balde, Jr.

Si Abdon M. Balde, Jr. .ay ipinanganak sa liblib na nayon ng Busac, Oas, Albay. Nagtapos ng B.S. Civil Engineering, siya'y isang inhinyero na pagkatapos ng 33 taon sa konstruksyon ay tumugon sa mapang-akit na tawag ng Musa ng Panitik. Kasalukuyang Kagawad ng Lupon sa Wika at Salin ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) at isang Direktor ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Nanalo ng National Book Awards ang kaniyang mga aklat na Mayong at Hunyango sa Bato, nagawaran ng Rokyaw Ibalong Bikol Achievement Award in Literature at nanalo sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa kategoryang Maikling Kuwento. Nakatira siya ngayon, kapiling ang pamilya, sa 18 Dao St. Casimiro Village, Las Piñas City at ang kanyang e-mail address aykadunung@yahoo.com.

 

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal