A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Alain Russ Dimzon

Si Alain Russ Dimzon ay isang Ilonggong magbubukid. Ipinanganak siya sa Jaro, Iloilo City noong 31 Oktubre 1963. Nag-aral siya ng B.S. Biological Sciences sa West Visayas State University. Aktibo bilang cultural worker si Alain. Naging kasapi siya ng National Committee on the Literary Arts (NCCA) at naging chairperson naman ng Committee on Literature, Arts Council of Iloilo (ACIFI), Inc. at sa kasalukuyan, pangulo ng Hilway, isang organisasyon ng mga manunulat sa Iloilo.
Siya ang unang fellow ng Hiligaynon Poetry sa UP National Writers Workshop. Pinarangalan siya ng Gawad Emmanuel Lacaba (Best New Writer) in Hiligaynon ng NCCA.

Ang kanyang mga akda ay nanalo na sa Home Life English Poetry competition (1999). At ang ilang mga tula niya sa Hiligaynon ay nakapasok sa Competitive Book Writing Grant ng Fray Luis de Leon Creative Writing Institute, University of San Agustin. Composer at lyricist din itong si Alain. Suki siya ng Ilonggo Music Festival (Open Category) bilang kalahok at ginantimpalaan. Di mabilang na ang mga songwriting competition (local at international) na kanyang sinalihan at pinagwagian.

Nalathala na sa Philippine Studies- Literary Issue (International Issue) ng Ateneo de Manila University ang kanyang mga akda. Mababasa rin ang mga tula niya saHome Life Magazine, Sunday Inquirer Magazine, Philippine Panorama, National Midweek, Philippines Free Press, Philippine Graphic at The Sunday Times.

Tampok din ang kanyang mga tula sa mga antolohiyang ito: In Time Passing, There Are Things, Ang Aklat Likhaan (UP ICW), Sands and Coral (SU), Ani (CCP),Patubas (NCCA), Mantala, Busay (UP Visayas), Native Words, Native Roots (MSU – IIT), SanAg (University of San Agustin), The CCP Literary Yearbook, Sansiglong Modernistang Panulaan sa Pilipinas (A Century of Modernist Poetry in the Philippines – UP Press c/o Rio Alma).

Bukod sa pagsasaka, abala rin si Alain sa pagiging bahagi ng pamunuan ng mga organisasyong lokal at internasyonal na tumutulong mapangalagaan ang yamang-likas ng Iloilo. Siya rin ang consultant at co-coordinator ng Research at Subject Head para sa Creative Writing ng Special Program for the Arts sa Iloilo National High School. Kolumnista rin siya ng Panay News, Sunstar-Iloilo, The News Todayat Newsexpress.

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal