A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Almayrah Abbas Tiburon

Si Almayrah Abbas Tiburon ay ipinanganak sa Marawi City, bunso sa limang magkakapatid. Noong nasa kolehiyo siya ay naging aktibo sa mga paligsahan sa literature, music, at sports. Nakapagturo siya nang dalawang taon sa Marawi Capitol College Foundation at tatlong taon sa Philippine Integrated School-Main Campus. Ngayon ay kasalukuyang siyang nagtuturo sa Mindanao State University – Main Campus.

Hilig niyang magsulat mula pa noong nasa elementarya siya at ngayo’y itinuring na nga niyang libangan ang paglikha ng tula, maikling kuwento at sanaysay. Nakikita niya ang sarili na masaya sa pagsusulat dahil kahit nasa daan siya’y ibig na niyang lumipad at makarating sa bahay upang maisulat ang ideyang biglang pumasok sa isip.

Sa unang libro niya, ang Terminal (na may printed copy at ebook version), matatagpuan ang mga kuwentong tumatalakay sa maselang mundo ng kanyang tribo. Dulot ito ng totoong mga pangyayari sa lipunan. At hindi lamang  ito tungkol sa tribong Meranaw kundi maging sa iba’t ibang tribo sa Pilipinas. Ang aklat ay may himig na nakakatakot upang magbigay-sigla sa mga mambabasa.

Ang ibig ni Bb. Tiburon ay makilala ang Meranaw sa Lanao bilang isang tribo sa Pilipinas, ang tribong may sariling sining, tradisyon, at paniniwala na may kakayahang makipagsabayan sa ibang kultura. Makasaysayan ang tribong ito, at habang naglalakad ang panahon ay yumayaman ito nang yumayaman dulot ng impluwensiya ng kultura ng iba’t ibang indibidwal na napapadpad sa Lanao.

Si Bb. Tiburon ay puno ng pangarap at kahit gustuhin man niyang itulog ang pangarap na ito, para siyang binubusinahan na gaya ng pagbusina ng mga sasakyan sa terminal. Kailangan niyang gumising at maglakbay sa isang tiyak na destinasyon. Gaya ng mga tao at sasakyan sa terminal, may tiyak na patutunguhan ang kanyang mga kuwento.

Maaari siyang makausap sa pamamagitan ng email: mayanne82@yahoo.com.

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal