Ana Maria Villanueva-Lykes

Talambuhay

Ana Maria Villanueva-Lykes talambuhay
Photo credit: Blogspot.com
Patuloy na umiikot ang buhay ni Ana Maria Villanueva-Lykes sa pagsusulat magmula ng magtapos siya ng kursong Computer Science at Master’s Degree sa Malikhaing Pagsusulat. Kinikilala siya bilang isang magaling na manunulat, editor at nobelista. Nagsimula siya sa paggawa ng sarili niyang blog, AnaViajera, patungkol sa kanyang mga personal na karanasan lalu na sa kanyang mga biyahe sa iba’t ibang lugar.

Sinundan naman ito ng pag ambag niya ng mga artikulo para sa mga pahayagan sa Pilipinas at marami pang mga website tulad ng Planet Philippines, Inquirer at Pinay.com. Dito niya hinubog ang sarili sa pagsusulat na naging daan upang magkaroon ng oportunidad siya magtrabaho bilang editor-in-chief ng AsianTraveller Magazine. Dagdag pa dito, nagsulat din siya para sa Reader’s Digest, isang tanyag na magasin sa Estados Unidos.

Nasa rurok man siya ng kanyang karera, maluwag niya isinantabi ito nang magkaanak siya. Ganun pa man, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal niya sa pagsulat. Sa katunayan, ang mga karanasan niya bilang ina ay isa sa mga paksang patuloy niyang tinatalakay sa pagbalik niya sa pagsusulat. Sa kanyang pagbabalik, ang Inquirer ang kanyang naging entablado sa kanyang kasanayan. Mula sa isang simpleng hilig, ang pagsusulat, naipakita ni Ana Maria Villanueva-Lykes na maaari itong maging makabuluhan at karera.

Popular Posts