A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Bienvenido M. Noriega, Jr.

Si Bienvenido M. Noriega, Jr. (1952-1994) ay pangalawa sa siyam na supling nina Bienvenido G. Noriega at ang dating Socorro G. Muñoz. Lumaki sa probinsiya (Ilagan, Isabela), nagtapos ng high school sa St. Anthony School, Malate (salutatorian, 1968), nagkolehiyo sa University of the Philippines (A.B. Economics, cum laude at valedictorian ng klase, 1971 at M.A. Economics, 1973) at patuloy na nag-aral sa Harvard University (Master in Public Administration, 1979; “A” student) at Columbia University (Executive Program in Business Administration, 1983). Sa U.P., nangahas siyang mag-enrol sa Playwriting; sa Harvard, kumuha ng mga kurso sa Modern Drama, Shakespeare, Comedy, at Film Theory. Nanirahan siya sandali sa ibang bansa (Geneva, 1974-1975; Boston, 1978-1979; at Tokyo, 1978 at 1988).

Mahigit sa dalawampung taong nanungkulan si Noriega sa gobyerno (karamihan nito’y sa NEDA at sa PNB). Nagturo rin siya (part-time) sa U.P. Diliman at U.P. Manila, Ateneo, La Salle, Assumption, at U.E. Tumulong si Noriega sa Experimental Cinema of the Philippines, sa Tanghalang Pilipino at ngayo’y sa Dramatis Personae. Yumao si Noriega bilang isang Executive Vice President ng isang bangko sa Makati.

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal