A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Donato Alvarez

Ipinanganak si Donato Alvarez noong 5 Pebrero 1958 sa Quezon City. Nagtapos siya ng Studio Arts sa College of Fine Arts, UP Diliman at kumuha ng ilang units sa masteral ng kursong Sculpture. Naging patnugot siya sa seksiyong Panitikan ng Philippine Collegian at nagsulat minsan para sa "Kalye Sesame" (na naging kilala bilang Batibot). Ang kanyang mga tula ay nagwagi na sa Palanca at Gawad Galian. Siya rin ay naging Local Fellow for Poetry ng UP ICW noong 1988.

Malaki ang papel ni Donat sa pagkakabuo ng PANULAT at Telon Playwrights Circle. Mababasa ang ilan sa kanyang mga tula sa antolohiyang Introduction to Philippine Literature na ginamit sa Ateneo de Manila University, Papaano Magbasa ng Panitikan na pinamatnugutan nina Rene Villanueva, Joi Barrios at Bien Lumbera, Panitikan ng Protesta na inilathala ng CCP, Diliman Review at sa Antolohiya ng mga Piling Nagwaging Akda ng Palanca Awards.

Sa kasalukuyan, isa siyang freelance artist at publisher. Si Donat ang nagma-may-ari ng Sipat Publications na nagdisenyo at naglathala ng mga libro ng tula nina Father Albert Alejo, Nick Pichay, Jim Imperial, Edel Garcellano at Jose Peñaranda.

Ang kanyang contact details ay:
128 Maitim 2 nd East Aguinaldo Highway, Tagaytay City.
sipatlawin@yahoo.com
0919-2908182

 

Powered by Drupal