Ernesto Superal Yee

Talambuhay

Ang mga abogado ay ang unang tinatakbuhan ng mga may kinahaharap na kaso. Ngunit isang abogado ang hindi lamang abala sa pagtatanggol sa may mga nasasakdal, kung hindi abala rin sa pagpapaunlad ng panitikan—si Ernesto Superal Yee.

Isinilang si Yee noong Oktubre 29, 1953 sa Tanjay, Negros Oriental. Nagtapos siya Business Administration major in Management Silliman University (SU). Kumuha naman siya ng abogasiya at pumasa sa Bar noong 1983. Naglingkod siya sa Regional Trial Court ng Dumaguete City at propesor ng Civil at Remedial Law sa SU.

Kilala rin siya bilang manunulat ng mga kuwentong piksiyon at tula. Isa sa mga tanyag na likha niya ay ang antolohiya ng mga tulang About My Garden. Isinulat niya rin ang tulang “Making The Sign.”

Sumakabilang-buhay si Yee noong Mayo 23, 2009 sa kaniyang lupang sinilangang Tanjay.

Popular Posts