A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Eros S. Atalia

Nagtapos si Eros S. Atalia ng MALL-Fil sa DLSU noong 2008 at BSE-Fil sa PNU noong 1996. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino ang kanyang mga sanaysay at tula . Unang Gantimpala sa Pandaylipi Ink. sa pagsulat ng tula noong 1995, Gawad Balagtas (PNU 1996), Unang Gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2006), Gawad Soc Rodrigo (2007), Fellow sa UP-ICW Writers Workshop noong 2007. May akda ng Taguan Pung (kalipunan ng mga akdang di pambata) at Manwal ng mga Napapagal (kopiteybol dedbol buk) (UST 2005) at Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako (VPE 2007) at  “Ligo na U, Lapit na Me (VPE, 2009). Naging contributor sa mga pambansang tabloid at naging kolumnista sa Remate. Naging Junior Researcher sa Social Research Center, dating Junior Associate ng Center for Creative Writing and Studies at nagtuturo ng Filipino at Filipino Journalism sa Faculty of Arts and Letters, UST at Creative Writing sa Graduate school. 
 

Powered by Drupal