A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Fidel Rillo, Jr.

Isinilang si Fidel Rillo, Jr. sa Singalong, Maynila noong 4 Hunyo 1955. Nag-aral siya ng BS Agriculture sa Araneta University Foundation. Nalathala na sa ilang antolohiya o magasin tulad ng Kamao, Ani, Mithi, Galian at National Midweek ang kanyang mga tula at sanaysay. Mula 1977 ay nagwagi na siya sa Palanca, CCP at Surian ng Wikang Pambansa. Kasapi siya ng GAT, Pambansang Unyon ng mga Manunulat, Concerned Artists of the Philippines, KATHA at Filipino Writers Academy. Freelance na manunulat siya ngayon samantalang nagdidisenyo ng mga magasin at libro at tagapayo sa advertising at pamamatnugot. Isa rin siya sa mga Board of Directors ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas.

Siya ay naka-base sa U.S.A.

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal