A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Genoveva Edroza-Matute

Si Genoveva Edroza-Matute o Aling Bebang ay isang magiting na kuwentista sa wikang Filipino at tagapagtaguyod ng wika at panitikan ng Pilipinas. Isinilang siya noong 13 Enero 1915. Iginagalang siyang guro sa elementarya, sekondarya at hanggang sa kolehiyo. Nagretiro siya bilang Dekana sa Philippine Normal College (na kilala ngayon bilang Philippine Normal University). Marami na siyang parangal na inani at ilan dito ang Gantimpalang Palanca at Cultural Center of the Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992.

Ilan sa kanyang mga akda tulad ng Kuwento ni MabutiPaglalayag sa Puso ng Isang BataParusaMaganda Ang Ninang Ko at Pagbabalik ang laging itinatampok sa mga textbook at iba pang publikasyon.Si Aling Bebang ay maybahay ng manunulat na si Epifanio Matute. Pumanaw si Aling Bebang noong 21 Marso 2009 sa edad na 94. 

Bibliyograpiya:

Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press

Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press;

Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.

Siya ang maybahay ng manunulat na si Epifanio Matute. Pumanaw si Aling Bebang noong 21 Marso 2009 sa edad na 94. 

 

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal