A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Gloria Villaraza Guzman

Nagsimulang magsulat sa sariling wika si Gloria Villaraza Guzman noong 1943, at patuloy pa ring nagsusulat ng mga maikling kuwento at tula. Naragdagan pa ito sa pagsulat ng mga kuwentong pambata mulang 1960, at dalawa sa kanyang mga aklat, ang Munting Patak-ulan at Munting Sinag-araw, ang ineksibit ng UNESCO sa Paris noong 1985.

Nakatanggap siya ng Carlos Palanca Memorial Award for Literature (1975), Cultural Center of the Philippines Literary Award (1979), Quezon City Literary Award (1980), Gawad Pagiging Makata at Manunulat (1993) mula sa Komisyon sa Wikang Pilipino, at Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (1996), mula sa UMPIL (Ugnayan ng mga Manunulat sa Pilipinas).

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal