A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Isabel D. Sebullen

Ipinanganak si Isabel D. Sebullen noong 5 Nobyembre 1959 sa Lungsod Bago sa Negros Occidental. Nagtapos siya ng B.S. Commerce-Business Management sa University of St. La Salle-Bacolod noong 1983, ng Master of Business Administration sa University of Negros Occidental-Recoletos noong 1994, at ng Ph.D. in Public Policy and Management sa Lyceum of the Philippines University noong 2007. 

Kabilang sa kaniyang mga akdang nagwagi sa kategoryang maikling kuwento sa Hiligaynon ng Carlos Palanca Memorial Awards in Literature ay ang mga sumusunod: “Aswang” (2000), “Ang mga Birhen sang Masulog” (Ang mga Birhen ng Masulog, 2001), at “Mga Misteryo sa Kagulangan” (Mga Misteryo sa Gubat, 2003). Siya ay propesor ng bisnes at matematika sa Lyceum. Naging presidente siya ng Screenwriters Guild of the Philippines.

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal