A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Jose Dennis C. Teodosio

Si Dennis ay nangangarap na maging kilala o batikang manunulat. Pero dahil wala siyang pormal na pag-aaral o pagsasanay sa pagsusulat, sinasarili na lang niya ang mga material na nalilikha. Takot din siyang malait o maliitin kaya wala pa siyang naisulat na nailathala o na-i-produce o nabasa ng iba. Ang "Gee-gee At Waterina" ang una niyang paglalakas-loob. Una itong itinanghal sa Virgin Labfest (2005). Ang short film version nito napiling opisyal na lahok sa Cinemalaya (2006).

Nagkamit ng gantimpala si Dennis sa mga patimpalak ng Palanca, NCCA, Gawad Ka Amado para sa Maikling Kuwento,2005 (Terminal ), PBBY-Salanga Writers Prize,2006 (Tonyong Turo ), CineManila International Film Festival, Star Cinema, Viva Films, Film Development Foundation of the Philippines, at Film Academy of the Philippines.

 

Siya ay isinilang noong Agosto 18, 1969 sa Valenzuela, Metro Manila.

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal