A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Jose Erwin Lareza

Si Erwin Lareza ay ipinanganak sa Sorsogon noong malapit nang magtapos ang dekada 70 ngunit siya ay lumaki sa Rosario, Cavite. Siya ay kumuha ng kursong Public Administration sa UP Diliman. Siya ay naging Fellow ng 42nd UP National Writers Workshop sa Baguio City (2003) at 19th C. Faigao Memorial Annual Writers Workshop sa Romblon (2002). Aktibo siyang kasapi ng LIRA noon pang 2003. At naging kasapi rin siya ng UP Writers Club, UP Quill at Cavite Young Writers Association kung saan nalinang ang kanyang estilo sa pagkatha ng tula. Nailathala na ang mga akda niya sa Ikatlong Bagting, Sitting Amok Series, Likhaan Online, at NCCA publication para sa mga nanalo ng TEXTANAGA at DALITEXT contests. Sa kasalukuyan, siya ay nagtatrabaho bilang manunulat sa GMA 7. Nahihilig din siya ngayon sa pagluluto.

Siya ay isang bachelor na naka-base sa Kamias, Quezon City.

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal