Melchor F. Cichon

Talambuhay

Tubong Sta. Cruz, Lezo, Aklan si Melchor F. Cichon. Nakilala si Cichon sa iba’t ibang larangan ng pagsusulat subalit ang kanyang mga natatanging tula ay ang kanyang mga pamana sa kanyang pinagmulang bayan. Ito ay sa kadahilanan na madalas ay sumesentro ang kanyang mga obra sa buhay at kultura ng mga Aklanon. Sa katunayan siya ay pinarangalan bilang kaunaunahang Aklanon pinagkalooban ng CCP para sa pagsusulat ng tulang Aklanon, Ham-at Madoeom Ro Gabii, Inay? Ag Iba Pang Binalaybay, noong 1994. Hindi lang mga tula ang kanyang mga naisulat. Meron din siyang nailathalang mga libro at mga sanaysay. Kabilang dito ang mga: Siniad-siad nga kaeangitan (Strips of heavens); Hin-uno Pa; Mamunit Ako Inay at Haiku, Luwa and Other Poems by Aklanon (edited by Cincho). Ang kanyang kontribusyon sa pagkilala sa pampanitikan na Aklanon ay pinatunayan nang gawaran siya ng Unyon ng mga Manunulat sa Filipinas (UMPIL) ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas Award noong 2001.

Sa kabila ng kanyang matagumpay na karera, siya ay patuloy na nagsisilbi sa kanyang bayan ng Aklan. Sa kasalukuyan siya ang tagaingat-aklatan ng Aklan Catholic College Library at nagsusulat pa din sa kanyang mga blog (Aklanon Literature). Ang kanyang husay sa pagsusulat ay testamento sa kanyang pagmamahal sa bayang pinagmulan.

Popular Posts