A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Mike L. Bigornia

Ang makatang si Mike L. Bigornia , o Michael Randolf de Leon Bigornia, bunso sa anim na anak nina Dr. Domingo Bigornia at Matilde de Leon, ay ipinanganak sa Maynila noong ika - 16 ng Mayo, 1950. Nagtapos siya ng BA Political Science sa University of the East at nag-aral din ng abogasya. Kasama niya sina Virgilio S. Almario at Teodoro T. Antonio nang itinayo nila ang Galian sa Arte at Tula (GAT) kung saan siya naging pangulo. Si Mike L. Bigornia ay naging tagapamahalang patnugot sa SIBS Publishing House, director ng Unyon ng mga tagasalin sa Pilipinas (UNTAP), tagapayo ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) at Oragon Poets Society. Ilan sa mga parangal na nakuha niya ay ang Grand Prize mula sa Southeast Asian Literary Contest noong 1977, pagkilala bilang Makata ng Taon ng Talaang Ginto noong 1986, First Prize sa sanaysay at 2 nd Prize sa tula sa Diyaryo Filipino Literary Contest noong 1990, Grand Prize sa Palanca Awards noong 1986 at 1991, Gawad Quezon sa Panitikan noong 1996 at SEA Write Award sa Bangkok, Thailand noong 1996, at pagkilala sa Patnubay sa Sining at Kalinangan ng Maynila noong taong 1999. Naging miyembro siya ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 1983, Direktor mula 1990-1991, pansamantalang tagapangulo noong 1992, tagapangulo ng tatlong termino mula 1993- 2001, at naging Chairman Emeritus bago yumao.

Ika - 24 ng Setyembre, 2001 nang pumanaw ang makata. Naiwan niya ang kabiyak na si Maria Teresa Rivera o Tek, ang kanilang limang anak na lalake na sina Paolo, Emil, Miko, Pepe at Chino, at mga apo na sina Enzo at Lian.

Tagapagsalin ng librong Mga Relihiyon ng Hapon (Toyota Foundation/Solidaridad 1995), marami na rin siyang isinaayos na mga libro sa Phoenix Publishing, at naging patnugot din siya ng mga aklat pambata sa Children Communication Center. Naging kilala ang mga tula ni Bigornia sa mga nailimbag niyang pinamagatangPuntablangko (Tagak Series, 1985), Salida (UP Press, 1995) at Prosang Itim(Anvil, 1995).

 

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal