Paanyaya para sa Panayam ukol sa Musika at Bagong Lipunan: Pagbuo ng Lipunang Filipino, 1972–1986

Wed, 12/07/2016 - 08:45 -- admin

Ano ba ang naging kalagayan ng mga mamamayan sa Panahon ng Bagong Lipunan? Ano ang naging sandigan ng sambayanan upang humugot ng lakas at pag-asa sa kabila ng kahirapan at kawalan ng katarungan?

Inihahandog ng Phi Kappa Phi International Honor Society (UP Diliman Chapter) ang isang napapanahong panayam mula kay Dr. Raul Casantusan Navarro ukol sa Panahon ng Batas Militar at kung paano ginamit ang musika sa pagbuo ng diskurso ng Bagong Lipunan.
 
Gaganapin ang panayam sa Disyembre 8, 2016 (Huwebes) sa ika-anim ng gabi sa AVR, Juinio Hall, National Engineering Center, UP Diliman.
 
Si Ginoong Navarro ang may-akda ng Musika at Bagong Lipunan: Pagbuo ng Lipunang Filipino, 1972–1986 mula sa Ateneo de Manila University Press. Ang aklat na ito kung saan batay ang panayam ay finalist sa Social Sciences na kategorya ng 2015 National Book Awards ng National Book Development Board (NBDB) at Manila Critics Circle (MCC).
 
Sa kasalukuyan, isa siyang ganap na propesor, kalihim ng UP Kolehiyo ng Musika, at tagapangulo ng gradwadong programa nito. Nakamit niya ang kaniyang Doktorado sa Pilipinolohiya mula sa UP Kolehiyo ng Arte at Literatura (2004). Nagtapos siya ng Masterado (1999) at Batsilyer sa Musika sa Choral Conducting (magna cum laude, 1996) mula naman sa UP Kolehiyo ng Musika. Mayroon din siyang Batsilyer sa Music Education (cum laude, 1990) at Associate Degree sa Piano (1989) mula sa Kolehiyo ng Santa Isabel, Maynila.

Exclusive Content: 
No
Powered by Drupal