Paanyaya sa Talasalitaan: Ang Wikang Filipino sa Pagsulong ng Karapatan ng Kababaihan

Thu, 03/09/2017 - 14:16 -- admin

Itinataguyod ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman sa pakikipagtulungan ng UP Diliman Gender Office, University Center for Women and Gender Studies, Gabriela Women’s Partylist,  UP Portia Sorority ng Kolehiyo ng Batas, at DZUP ang regular na talakayang Talasalitaan na may pamagat na “Ang Wikang Filipino sa Pagsulong ng Karapatan ng Kababaihan” sa Marso 31, 2017 (Biyernes) sa ganap na 9:00 nu-11:00 nu sa Malcolm Theater, Kolehiyo ng Batas, UP Diliman. Ang programang ito’y pakikiisa ng UP SWF-Diliman sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Buwan ng Kababaihan ngayong Marso 2017.

Ang Talasalitaan ay regular na talakayan na isinasagawa ng SWF na nagtatampok ng iba’t ibang paksa na may kaugnayan sa wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina upang higit pang maisulong ang Palisi sa Wika ng Unibersidad ng Pilipinas.Bukas ang paanyayang ito salahat ng mga guro at mag-aaral. Libre ang rehistrasyon.

Maaaring makipag-ugnayan kay Gng. Gemma Dalmacion para sa iba pang impormasyon at mga katanungan. Maaari ring tumawag sa 9244747 o  981-8500 lokal 4583, o mag-email sa  swf@upd.edu.ph. Maaari ring bisitahin ang aming facebook page sa https://www.facebook.com/UPsentrowikangfilipino  at website sa swf.upd.edu.ph para sa iba pang anunsyo at aktibidad ng UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.

Exclusive Content: 
No
Powered by Drupal