Palihang Kataga: Seminar sa Pagtuturo ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat

Thu, 02/09/2017 - 08:58 -- admin

Ngayong Buwan ng Sining, handog ng Kataga-Manila, isang sangay ng Kataga, ang Palihang Kataga: Seminar sa Pagtuturo ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat na gaganapin sa bulwagan ng Cinematheque Centre Manila, Pebrero 24-25, 2017 (8:00 n.u. hanggang 5:00 n.h.).

Ang mga inaasahang kalahok sa unang araw (Pebrero 24) ay mga guro ng Panitikan, Ingles, Filipino, at/o Malikhaing Pagsulat sa antas elementarya, high school, senior high school, at kolehiyo. Mga estudyante naman sa senior high school, kolehiyo, maging mga propesyunal na wala sa propesyon ng pagtuturo ang maaaring lumahok sa ikalawang araw (Pebrero 25).

 

Sa lalahok sa Palihang Kataga:

1. Sagutan ang online registration form sa link na ito: https://docs.google.com/…/1FAIpQLSfY-kxoIjocTtbKg_…/viewform

2. Maaaring lumahok ang mga guro sa ikalawang araw, ngunit kailangang bayaran ang panibagong registration fee.

3. Mayroong registration fee na Php 400.00 para sa handouts, kits, ID, at sertipiko ng pagdalo. Hindi kasama ang pagkain at meryenda sa halagang ito.

4. Ang early bird promo na Php 350 ay hanggang Pebrero 17 lamang. Siguraduhing naipadala ang scanned deposit slip ng registration fee sa kataga.manila@gmail.com sa loob ng 48 oras matapos makapag-register online.

5. Tatanggap lamang 100 participants bawat araw para sa Palihang Kataga. Hinihiling ang kumpirmasyon ng mga lalahok upang matiyak ang upuan sa loob ng bulwagan ng Cinematheque Centre Manila. Maaaring magwalk-in ngunit hindi mabibigyang prayoridad ang mga ito.

6. Ang Cinematheque Centre Manila ay matatagpuan sa 855 T.M. Kalaw St., Ermita. Landmark ang U.N. Avenue Station ng LRT-1. https://web.facebook.com/CinemathequeMNL/?fref=ts

7. Ipadala ang inyong registration fee sa account na ito:

Bank of the Philippine Islands (BPI)
Account Name: ABEGAIL ELVIRA PARIENTE
Account Number: 4989 1141 96

8. Ipadala ang inyong mga katanungan sa kataga.manila@gmail.com o sa Facebook page na ito.

9. Sa mga gurong humihiling ng liham-paanyaya para sa kanilang eskwelahan, mangyaring i-email sa kataga.manila@gmail.com ang pangalan ng eskwelahan, address, at kinauukulang tatanggap nito.

Exclusive Content: 
No
Powered by Drupal