A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Ramon L. Muzones

Ipinanganak noong 20 Marso 1913 at namatay noong 17 Agosto 1992 sa Lungsod Iloilo. Nagtapos siya ng pre-law sa Far Eastern University sa Lungsod Manila at ng abogasiya sa Central Philippine University sa Lungsod Iloilo noong 1952. Nakasulat si Muzones ng 62 nobela na ang karamihan ay nalathala nang dugtungan sa mga magasing HiligaynonYuhum, at Kasanag. Ang nobela niyang Margosatubig ay inilathala ng Diolosa Publishing House sa Lungsod Iloilo noong  1947. Siya ang tagapagtatag ng Sumakwelan, grupo ng mga manunulat sa Hiligaynon. Tumanggap siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas o UMPIL noong 1988 at ng Gawad CCP Para sa Sining noong 1989.

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal