Rio Alma, maglulunsad ng bagong aklat ng mga ‘speculative’ na tula

Tue, 02/26/2013 - 14:26 -- admin

Ilulunsad ang kapana-panabik na bagong aklat ng tula ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Rio Alma, sa Marso 8, 2013, 5 nh, sa UP Vargas Museum.

Pinamagatang “Ang Romansa ng Pagsagip ng Osong Marso” (UST Publishing House) ang aklat na ito na maaaring kauna-unahang “speculative poetry” sa panulaang Filipino ay may kasamang salin sa Ingles ng makatang Marne Kilates.

Upang dumalo, mag-log on sa Facebook Event Page ng Paglulunsad:https://www.facebook.com/events/215749745238339/.

 

Powered by Drupal