A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Roberto Ofanda “Abet” Umil

Ipinanganak si Roberto Ofanda “Abet” Umil noong 11 Enero 1961 sa Salcedo, Eastern Samar. Ngunit siya ay napadpad na at nanirahan sa Pinabacdao, Western Samar, Makati, Project 4, Sapang Palay, Pasay, Malabon, Bangued, Pandacan, Muntinlupa, Aparri, Zamboanga at Davao.

Nag-aral siya ng BS Agriculture sa Gregorio Araneta University Foundation. Habang nasa pamantasan, naging masugid siyang estudyante ng pambansa-demokratikong kilusan. Ito ang malaking impluwensiya sa kanya noong siya ay maging Institution Worker siya sa PGH taong 1984. Dahil dito, naaresto siya at nakulong noong 1988 (warrantless arrest- Umil vs. Ramos case).

Nang makalaya siya nang taon ding iyon ay nagtuon siya sa panulat. Una siyang naka-attend ng workshop sa LIRA, sunod sa PANULAT (1988), GAT (1990) at UP National Writers Workshop (1992). Founding member siya ng Tumbang Preso, organisasyon ng mga batang multi-media artist. Nanalo sa Gawad Ka Amado at Palanca ang ilan sa mga koleksiyon niya ng tula.

Sa kasalukuyan, aktibong kasapi siya ng Akdang Bayan, isang organisasyon ng mga manunulat, at nakatira sa Muntinlupa kasama ang kanyang asawa’t mga anak.

Powered by Drupal