A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Roberto T. Añonuevo

Si Roberto T. Añonuevo ay isinilang sa Maynila ngunit lumaki sa Pasig at kung saan-saang panig ng bansa ipinadpad ng mga lagalag na paa. Iginawad sa kanya ang Hall of Fame Award ng Don Carlos Palanca Memorial Awards para sa kanyang kalipunan ng mga tula . Sumungkit ng mga gantimpala ang kanyang mga tula sa Talaang Ginto: Gawad Collantes (1990, 1993, 1999) Panorama Poetry Contest (1993) at Diyaryo Filipino (1990). Kabilang siyang kumatawan sa Filipinas noong Second ASEAN Poetry Conference Workshop (1995). Inilathala ng DLSU ang kanyang unang aklat ng tula , ang Paghipo sa Matang-tubig (1994) at ng ADMU ang Pagsiping sa Lupain . Naging pangulo siya ng Linangan sa Imahen sa Retorika at Anyo (LIRA) noong 1994; at kasaping tagapagtatag ng ORAGON, ang samahan ng mga premyadong makata ng bansa. Kasalukuyan siyang Vice Chairman ng UMPIL, ang pinakamalaking unyon ng mga manunulat sa Pilipinas.

Ang kanyang blog ay nasa http://dakilapinoy.wordpress.com/.

Powered by Drupal