A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Romeo Dizon

Ipinanganak si Romeo Dizon noong Disyembre 23, 1935 sa San Fernando, Pampanga. Nagtapos siya ng BA English at MA Philippine Literature sa UP Diliman. Dito rin siya mahigit 30 taong naglingkod bilang guro ng humanidades, panitikan, kritisismo at teorya sa DFPP (naging tagapangulo nang apat na taon), DECL, DAS at Open University. Naging lecturer din siya ng panitikang Kapampangan sa UP Clark Field, Pampanga.

Si Prof. Dizon ay kinikilalang eksperto sa panitikang Filipino, Timog-Silangang Asya at Latin Amerika. Siya ay naging lecturer at tagapagbasa ng papel sa loob (Nueva Vizcaya, Palawan, Zamboanga) at labas ng bansa (Germany, Russia, Netherlands, Norway, Holland,Sweden, Hungary, Vietnam, Singapore at Malaysia). Naging bahagi siya ng pag-unlad ng mga pampanitikang organisasyon tulad ng UP Writers Club, UMPIL,Philippine Folklore Society, LLP at Akademyang Kapampangan na kanya ngayong pinamumunuan.

Naging judge si Prof. Dizon ng Palanca Literary Awards para sa mga kategoryang nobela, maikling kuwento at sanaysay. Ang kanyang mga pananaliksik, sanaysay at kritika ukol sa panitikang Filipino partikular ang kuwentong bayan, at kulturang Kapampangan ay nailathala sa Collegian, Lagda, Diliman Review kung saan tatlong taon siyang naging associate editor at marami pang iba. Kabilang sa kanyang mga nailathalang aklat ang kalipunan ng mga maiikling katha ni Deogracias Rosario, Manual for Humanities I ng UP Open University at ang salin ng nobelang Petals of Blood (Mga Talulot na Dugo) ng manunulat mula sa Kanlurang Aprika na si Ngugi Wa Thiong'O. Ilan sa kanyang mga proyekto ay ang salin sa Filipino ng nobelang The Cry and the Dedication ni Carlos Bulosan (NCCA) at salin sa Filipino ng ilan sa mga pampanitikang akdang Kapampangan (NCCA).

Bukod sa pagiging batikang pampanitikang iskolar, si Prof. Dizon ay isa ring pintor. Siya Dekada nobenta nang magkaroon siya ng one-man exhibit sa Hiraya Gallery sa Quezon City.

Pagkaraang magretiro sa UP, noong 2003, siya ay naging Associate Dean ng Manila Times School of Journalism. Sa kasalukuyan, siya ang direktor ng Institute for Kapampangan Studies ng Angeles University Foundation sa Pampanga.

National Artist for Literature: 
No
Powered by Drupal