A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Rudy F. Alano

Si Rudy F. Alano ay retiradong guro ng Literature, English, at Art Appreciation. Sa nakaraang 29 taon siya ay nakapagsagawa ng mga wokshops sa teatro at malikhaing pagsusulat. Naging fellow siya sa mga writers’ workshops tulad ng Dumaguete at UP. Maraming lecture na rin ang kanyang naibigay sa buong rehiyong Bikol tungkol sa literatura at wikang Bikol. Catanduanes na lang ang hindi niya pa nararating sa pagle-lecture. Nailathala na ang mga tula at kwentong sinulat ni Rudy sa iba-ibang magasin at dyornal tulad ng Nation, Haliya, Bikolnon, Focus, Ani, Journal of Bikol Writing, atbp. Siya rin ay isa sa mga tampok na manunulat sa librong ”In Our Own Words: Filipino Writers In Vernacular Languages” ni Isagani Cruz. Siya ang unang pangulo ng Kabulig-Bikol Writers Group, isang organisasyon ng mga manunulat na Bikolano. Sa ngayon, siya ang Bikol Coordinator ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sub-committee on Literary Arts.

Powered by Drupal