Edilberto K. Tiempo

Talambuhay

Paglilingkod sa bayang tinubuan, iyan ang pilosopiya ni Edilberto K. Tiempo. Ipinanganak siya noong 1913 at pinalad na makapagaral sa Estados Unidos. Doon nakapagtapos siya ng Master of Fine Arts sa Unibersidad ng Iowa at Ph.D. in English sa Unibersidad ng Denver. Kasama ng kanyang asawa, Edith L. Tiempo, hinasa niya ang kanyang husay sa malikhaing pagsulat sa Iowa Writers Workshop. Napabilang din siya sa kapitapitagang Guggenheim at Rockerfeller Fellowship na naglalayon parangalan at kilalanin ang mga natatanging tao na nagpapakita ng kakaibang abilidad sa malikhaing sining. Nanalo din ang kanyang koleksyon ng mga maikling kwentong A Stream at Dalton Pass and Other Stories sa isang patimpalak. Dagdag pa dito, nakapagturo din siya sa dalawang paaralan sa Amekira ng kurso sa panitikan ng kathang-isip at kritisismo.

Nang maglaon, nagdesisyon siyang bumalik sa Pilipinas at dito niya ginamit ang kanyang kaalaman kasama ng kanyang maybahay upang mabuo ang Siliman National Writers Workshop mula sa mga panuntunan ng kinabilangan niyang Iowa Writers Workshop na hangang ngayon ay pinagpapatuloy pa rin taon-taon. Nakapaglimbang din siya ng mga libro, kabilang dito ay ang Cry Slaughter! (1957); More Than Conquerors (1982); Snake Twin and Other Stories(1992); Literary Criticism in the Philippines and Other Essays (1995) at ang The Standard Bearer (1983) na ikinapanalo niya ng prestishiyosong Don Carlos Palanca Awards. Maliban dito, nagawaran din siya ng Cultural Center of the Philippines (CCP), UP Golden Anniversary Literary, and the National Book Award.

Sa kabila nang mga parangal at tagumpay na natamo ni Tiempo, pinili niya pa din maglingkod sa Unibersidad ng Siliman sa kanyang bayang tinubuan. Sa ilang dekada niyang serbisyo, siya ay naging department chair, graduate school dean at vice president for academic affairs.

Sa kasamaang palad, pumanaw si Tiempo noong 1996 nang hindi niya man nakita ang paglimbang ng kanyang huling nobelang, Farah. Ganunpaman, ang kanyang walang sawang dedikasyon sa pagsusulat at paglilingkod ang naging susi ng kanyang tagumpay.

Popular Posts