fiction
A Pinoy Odyssey
ni Mario
Ignacio Miclat
HALOS mangudngod ang nguso
ni Ringo sa pagkakasipa sa kanya.
“Babalik ba kayo sa
Pilipinas?” di ba tanong ng reporter sa
kanila na mas popular pa raw kay Christ? “Oo,
para magbagsak ng bomba!” ang sagot. Sumikat
ang ‘Pinas noon.
Sila pa ang may ganang magalit
e inisnab nila si Pers Ledi. Talagang mamaliitin
tayo hangga’t underdeveloped tayo. Developing.
Propaganda lang ng Kano ang salitang developing.
Nauso nga ang bomba. Si Merle
ang nag-umpisa. Sino ba yon? Si Rabishankar yata
na naging guru nila, nagperform daw sa modernizing
China. E binaril na si John Lennon. Within You
and Without You. Sa loob at labas, ang haba ng
pila sa US embassy. Asia’s queen of songs
naman si Pilita. Nabuwag ang Fernando Commission.
Binomba ang Plaza Miranda. Nasa Tate na siya noon
nang marinig niya ang balita. Nagti-TNT. Granada
ang ginamit. Nagbalikbayan. Natatandaan mo ba?
Babalik Ka Rin ang kanta ni Silveria. Iyon bang
nagsasalitang kabayo ni Dolphy na pinalitan ni
Rod Navarro n’ung ipangkakarera na niya?
Akala ko ba, 66 ang umpisa natin?
May kahapon ang lahat.
Dapat pa bang halungkating lahat
iyan?
E sa magulo ang mundo, e. Makahanap
man lang ng kaayusan sa pag-alala sa nakaraan.
Ayos! ‘Chos.
Kaayusan nga ang hanap natin.
Maayos na kaunlaran. Pero nakita ko ang mga barungbarong
sa tambakan ng basura ng Commonwealth Avenue.
Marianong garapon ka naman. Magmasid
ka naman. Hindi na ngayon iyon common kayamanan
sa basura. Don Mariano na. May BLISS pa. Talagang
mabilis. Pila nga ang mga kotse para sa concert
ni Kuh Ledesma. “Bulaklak.” Para sa
Toning ni Johnny Midnight. Lumindol, kaya tinawagan
niya ang Malakanyang. Ano po ang masasabi ninyo
sa pagkaguho ng Ruby Tower? Bagong concept iyan
ng pabahay, sabi ni Senadora Kalaw. Ari ng kani-kanyang
pamilya ang bawat yunit ng apartment.
Magaling talaga umisip ang mga Intsik. Condom.
Puwede rin tayong magkaroon ng maraming ganyan
sa Tourist Belt. Sa Green Hills. Maggi-green beret
din pala tayo sa Vietnam. Green Revolution. Redbook
Revolution. Walang Direksiyon. Mayroon. Nasa M.H.
del Pilar ang Erehwon. Walang kasalanan. Baduy!
Rejected ang application for visa. Bakit mag-aabroad
ka pa? Maganda ang bayan natin. This Nation Can
Be Great Again! Kailan pa tayo naging great, halakhak
ng mga crème de la crème na ang
kadakilaa’y napaliligiran ng karagatan at
ang isip ay insular. Mga taga-Lyceum ang nag-umpisa,
hindi taga-UP. Ng ano? Ng Welga. Manggagawa sa
US Tobacco. Ang gulo. Nanggugulo para makahanap
ng kaayusan sa magulo nang mundo. Kailan pa? Ngayon
na! Student Power noon. Makati Noise Barrage ngayon.
Ba’t ba laging ganyan ang mukha mo? Hindi
mo maiintindihan. Ayaw mo kasing intindihin. Ayaw?
Women’s Libber ka raw kasi. Sina Nida at
Nestor? Si Coritha. Eugene. Grey. November. Not
in my soul. Sayaw iyon. Coffee Shoppe. Doon ko
unang nakita si Ishmael Bernal. Kumakanta ng Silayan.
Kapapanood ko noon ng Portrait of an Artist as
Avellana film. Maganda ba ma’am? Kung maganda’y
I’ll clap my hands. LARAWAN na nang ipalabas
sa For Santiago. Lolita. The actress not the movie.
Si Lino. Free the Artist daw. E ang Granada. Matagal
nang hinugot ang clip bago sumabog sa Plaza. Karagatan
ng Digoyo. NPA. China Airlines ang naghatid. Sharpshooter
talaga. Bagsak agad ang tinamaang KAL 007 flight
sa Rangoon, Burma? North and South Korea. North-South
dialogue. South-South cooperation. Peace Prize
kay Walesa.
Bumili ka na nga ng typewriter
mo. Ang gulu-gulo mong sumulat, e. Nasa nagsusulat
iyan. Bumili ka na nga pagpunta mo sa Hongkong.
Bawal na ang Pinoy d’on. Akala kasi, mag-aatsay.
Sa Italia iyan ni Fanny Garcia. Ano? Jaja mo.
MM ko ‘kamo. Buhay pa raw, a. Kapiling ni
Kennedy. Canaveral na uli. Sa Mababangong Bangungot.
Turumba. Paano ba nakapagsiyuting si Kidlat Tahimik
doon?
Bangungutin ka sana. Same you
here. E di tabi tayo. Masyado nang siksikan sa
bus, e. Sinunog nga ang bus. Ipinambarikada. Tinambakan
ng mga silya. At ng mga putol na punong akasya.
Itinumba ni Dading. Matapos ang debatehan kung
ang itatanim ay akasya o mangga sa Diliman. Quijano
de Manila. Pati ba naman iya’y hahalungkatin
mo pa? E sa magulo ang mundo, e. Makahanap man
lang ng kaayusan sa pag-alala sa nakaraan. Ayos?
‘Chos!
Humanap na rin tayo ng direksiyon,
di ba? Sa mga DG natin noon.
Natakot si Eva.
Magdamagan ang akala niya.
At sa Cuenca. Sa may Taal Lake
sa may Bundok Maculot sa malayo sa lungsod ng
Lipa. Kung Laurel City ang itatawag, e di hindi
na kami Batangueño. Magiging capital ang
Cuenca. Cuencano ka na. Cano for short. Mas maigi
ang Maharlika. Lahat tayo’y magiging Maharlikano.
Kano for short. Hindi na aabot sa Luneta ang pila
ng mga nanghihingi ng visa. Napuno ang Rizal Park.
Nanood kay Nora. Hotpants ang suot niya.
Mahal mo ba ako? Hindi mo na ako
napapansin. Kahit gabing tahimik.
Tahimik doon sa Laguna. Nagra-rock
en roll sa gubat si Sampaguita. Hindi mo ba alam
na saan mang gubat ay may ahas? At sawa pa. Nanlilingkis.
Katakot to death. Nakatatakot. Lahat. Naman. Daw.
Ng. Digmaan. Ay. Ang unang putok na nagpapatilamsik
ng dugo. Ni Julio Nalundasan? Lahat ng digmaan.
Dumadaloy ang dugo. Sumasabog ang utak. Nagkakalat
ang lamang nabubulok at gumagapang kapag naging
uod na. Sumisiksik sa lahat ng sulok.
Walang ganyanan.
Totoong ganyan. Namumuhi ang lahat.
Nagbabantayan. Manggagawa sa manggagawa. Magbubukid
sa magbubukid. Welgista sa walang welga. Walang
literature. Panay propaganda.
Walang ganyanan sabi, e.
Ba’t ayaw mong pag-usapan?
Eloii, ama ko, lama sa batchani?
Denim’s ko’y sa Eloy’s binili.
Kung hindi mo alam niyan, Hindi
ka Pinoy.
Ako’y Pinoy. Isang Pinoy.
Limampung milyon ang Pinoy. Limampung milyong
magugulong Pinoy. Sa gulo nag-umpisa ang kaayusan.
Ngengot mo. Sa gulo lalong nagkakagulo. Ano ba
ang point mo? Seven inches. One and a half when
short. Pinakamahaba ang San Juanico Bridge. Pati
ba naman iya’y hahalungkatin mo? E sa naghahanap
tayo ng ayos, e. Ayos, ‘Chos.
O, sumpa ni Abraham. Bangkay ni
Ben David. Ang Bakya Mo, Neneng! Ang Love Story
nga, bakya sa US, binoycott ng Film Academy, dito
sa ‘tin, class na. Hindi kasama ang academy
sa boycott. Itanong mo pa ke Erap. E kung iniirapan
kita riyan. E di ako’y magliliwaliw kung
saan-saan. Ang hirap namang malaman ang kulo mo.
Pasensiya ka na, ha? Pasensiya? Ang tagal nang
itinuturo iyan ni Rosa Mia. Si Mary Walter nga,
gusto na ring mag-bold. Biro lang daw. Biro bang
alin e binabagyo na tayo rito ng Playboy photographers.
Si Tetcha kasi. Nacayetano pa tuloy ng western
press ang Ermita natin. Buti na lang, hindi nanu-Newsweek
pati pag-ihi natin kung saan-saan. Kahit sa Ermita.
Sa Ermita nauna ang tikerteyp. Para kay MacArthur
nang mag-return dito. LABAS NA. Para key Gemma
nang mag-internasyonal ang Pilipinas. NAMAN IYAN.
At kay Sihanouk. Tinikerteyp din siya sa Ermita.
Pero lumayas nang walang kasere-seremonya. SA
USAPAN pa ba iyan e noon pa, utos ng CIA kay Magsaysay.
Pumasyal na nga uli siya dito. Kasi Living Dangerously
na uli siya. Sino, si Bembol? Si Sihanouk ang
pinag-uusapan natin. Ka-combo ni Manglapus. Naisahan
ng komunista. Si Sukarno ‘kamo. Pinagkaisahan
ng Rightist at Komunista. Nakaisa nga siya. Naisahan
naman ni Suharto, na AK sa coup. Na-KM ‘kano,
na-student demo. Baka MKK, Roco. Wala daw silang
away ni Mar, a. pati ba naman iya’y hinahalungkat
mo? E sa magulo ang mundo, e. NISA na ang bahala
diyan. Sumagana nawa ang kanilang kaluluwa. Masagana?
Ang Maisan, ang 99. Ang pangisdaan. Si Ma’am.
Natatandaan mo ba kung gaano kabagal
ang biyahe noong wala pang superhighway?
Mayroon ba tayong dapat tandaan?
Hinahanap pa ang nawawalang Buddha.
Rumormonger ka pa yata, pare.
Aba, hindi. Me pagkamadaldal lang. Madaldal naming
talaga ang Pinoy. Sino nga ba ang maysabi na walang
sekreto sa Maynila? May Freedom From Fear kasi.
Hindi natakot umuwi. Democratic. Di gaya sa Iran.
Kairan? Noong panahon ng Shah, corny. At ng mga
Khomeinista. Hindi ka naman orig. ke Tisoy iyan.
Sino ba sa atin ang orig? Pareho lang tayong nagse-celebrate
ng Pista ng Patay, a. At ng Pasko. Valentine’s.
Holy Kwaresma. Kung minsan, pati Hariraya. Me
orig-orig ba diyan. E sa tradisyon. Tanging atin.
Pag di mo naranasan, parang di ka Pinoy. Gaya
iyan ng po at opo. Babae’ng may (ari ng)
bahay. Kristiyanong nagpapatule. May mga Kano
na ring tule. Aliwa ita. Kapampangan ka ba o Batangueño?
Pilipino. Finoy. True blooded. May sarimanok pa
sa ulo. At salakot. At putong. Putong ama. Puto
sa umaga. Puuuu sa Batanes, t’ sa Tawi-Tawi.
Tatawing-tawing ang mga borloloy sa jeepney. At
sa LRT kung masusunod si Makabenta. Doña
Buding, magwewelga ang PASANG-MASDA. Shh, baka
marinig ka ni Giovanni, magpaeksplika pa. Sa Crame
ka mag-esplika. Fort Bonifacio. Andres. Nahanap
na rin ang dating kinatatayuan ng bahay ni Tandang
Sora. Unang sigaw sa Balintawak. Balut. Sa Pugadlawin.
Himagsikan. Sa Kalookan. Victory Liner. Papuntang
Subic. Para pagkamalang baboyramo? Salamat. Sa
alaala. Ng nakaraan. Upang makahanap. Ng ayos.
Ayus. Etchos. Etching. Haaatsiiiing!
Wala kasi tayong alamat.
Nilingkis ko siya sa panaginip.
Hinimod mula noo hanggang talampakan. Sa mata.
Sa ilong. Sa dila. Sa leeg. Sa kilikili. Sa utong.
Sa pusod. Sa bulbol. Sa hita. Sa tuhod. Sa binti!
At kinagat ko ang kanyang hinlalaki. Himod tumbong!
Ano’ng ibig mong sabihin?
Dapat pa bang may ibig sabihin
Ang bawat paglunok?
Kung gayo’y tanungin mo rin
Ang kahulugan ng alat ng dagat
Ng bughaw ng langit
Ng guhit ng palad.
(O ngiti ng labi at yapak ng talampakan.)
Pati ba naman iya’y kailangang
halungkatin?
Dahil naghahanap tayo ng kaayusan.
Maayos na kaunlaran. Para hindi tayo maliitin.
Para sa ating. TADHANA. Kinabukasan. Pagsikat
ng Araw.
WALANG DAHILAN PARA HINDI SUMIKAT
ANG ARAW
pero may dahilan ba para sumikat liban sa
tanglawan ang gulo ng mundo
upang sumambulat ang tagong bangungot sa hatinggabi
at gisingin ang tao sa daloy ng dugo
upang di na matakot sa agos ng guniguni?
PANGINOON SA LANGIT,
BAKIT PO UNA MONG NILIKHA ANG ARAW?
Wala kasi tayong alamat. May Maria
Makiling. May Berberoca. May Tuwaang Attends a
Wedding. Pero walang alamat. Lahat ay nawawasak.
Hindi nagsisinungaling si Washington. Pinakadakila
si Kim II Sung. Kill Him Soon? Birhen si Lady
Di bago nakasal sa prinsipe. Alamat. Ars longa,
vita brevis. Hitsura mo. Aba, nasa Gracia daw
ang Troy, at ang Turco’y maninila ng turista
sa Pasay. Kitam. Maanghang daw ang pagkain ng
Koreano dahil malamig sa kanila. Kitam. Maanghang
daw ang pagkain ng Thai, Malaysian, Indonesian,
Singaporean dahil mainit sa atin dito sa ASEAN.
Asyano tayong walang emperador, walang chairman,
walang hari, walang imam. Baka Polynesian. Casteless.
Alaws klas. Wala kasi tayong alamat. Napakaraming
kasalanan. Cardinal Sin. Mortal. Venial.
Alam mo? Ang huling shot natin
ay hindi kopita ng brandy o lambanog. Hindi rin
ng shutter ng camera. Kundi ng baril. Kung wala
nang pag-asa.
Magulo iyan. Parang kinain mo
na rin ang sarili mong anak. Binawalan mong mangarap.
Pinigil magbayad ng bilyun-bilyon nating utang
sa World Bank. E ang Tsina nga, nagbabayad na
rin para makautang uli ng mas malaki. Ba’t
panay Tsina ang nasa utak mo? Intsik ka ba? E
sa iyan ang pinakamalapit nating kapitbayan, e.
hindi ba ang Malaysia? Hindi mo ba alam, buong
western shores natin, kanila? Westinghouse. Atomic
reactor. Ruso ang tatapos. Totoo
ba? Sabi da. Kapampangan ka ba
o Ilokano? Filipino. Pinoy. True blooded. Sintotoo
ng dugo sa kalabaw na tinaga sa Kanyao. Ninakaw
ng Apocalypse Now. Dinala sa Vietnam. Sa Cambodia.
Totoo ngang ginagaya lamang ng
buhay ang mga nobela. Gaya nga noong masaker sa
Lapiang Malaya. Nobela lamang iyan ni Ricky Lee.
Drama ni Al Santos? Sino ka ba? Ba’t ang
dami mong kakilala, namedropper? Nagbabasa-basa
lang. Mababasa mo ba ang tungkol kay Mang Teban
na clerk sa Inayawan? Saan iyon? Sa Bacolod. Kitam.
Hindi tayo makapag-travel kahit walang ban, e
di magbasa na lang. Kitam. Mo. Pang. Nagbasa si
La Oropesa. Bumaha sa Orani. Nagkadrought sa Mindanao.
May pabrika na sa Lanao. Lumindol sa Ilocos. Pumutok
ang bulkan. Malas talaga ang Pilipinas. Paraiso
sa Pasipiko. Bumabaha naman kahit saan, di ba?
Sa Australia, sa California, sa Brazil, sa Japan,
sa Inglatera, sa El Niño. Iyan ang red
tide. Pero ang lindol, bagyo, bulkan? Dahil sa
atin nako-concentrate ang lahat ng astral power.
May butas sa kalawakan na dinaraanan ng cosmic
rays na nakatuon sa ating kapuluan. Kaya marami
tayong faith healers. At kalamidad. At angal.
At kabaklaan.
Hindi ba puwedeng gamitin ang
cosmic rays para tayo, well, diyaheng sabihin,
kasi, ano, iyon bang, alam mo na, magkaisa? Kailan
pa nagkaisa ang mga Pinoy? Sa sampung Pinoy, may
sampu rin daw lapian o samahan. At lahat ay manawagan
ng reconciliation. Sa abroad iyan. Sa baranggay,
may Samahang Nayon. Para bumili ng motor. Siklo.
E di ang gulo. Singgulo ng mundo. Nag-martial
law. Dumating si Pope Paul. John Paul. Japan daw
ang Christian nation sa Asia. Iba na ang sikat.
Maraming santo. Si Lorenzo, dapat pang pagkagastusan
nang malaki para maging blessed. Art the poor,
makakakain ng pinaghalong bigas at mais. Mayaman
na si Flash Elorde. Nag-aartista si Miss Aruba.
Tinanong ng Afro-Asian writer kung monarkiya ba
tayo rito. Si Gloria Diaz kasi, lakad-reyna.
Isa pa nga, para maayos ang kasunod.
Wala na ang Dewey. Dewey Dee. Roxas. Manila by
Night. Kailan ipalalabas? Kung makahanap na ng
kaayusan. Humanap ng ayos sa pag-alala sa nakaraan.
Sa banta ng kahapon.
Di ko papatayin ang mga sandali
Kahit balaan mo ng mga tambuli
Ang panaginip ko’y walang pasubali
Kitlin man ng gising ay mananatili.
Panaginip? O pangarap. Guniguni.
Mo. Lang. Iyan. Ayus. Chos. Si Hesus. Si Hesus
ang bumuo ng ating nasyon. Kaya pati si Mohammad
ng mga taga-timog, kinikilala siyang propeta.
Magbabalik daw Siya, di ba? Para hilingin sa ating
maging Moro lahat. Maging nasyon? Dahil sa Espanya.
Sa Amerika. Sa Hapon. Sa Yakuza? Kakabakaba. Paano
kung gayon? Ano ba talaga ang gusto natin?
Hatinggabi na. Gigising pa tayo
nang maaga bukas. Huwag mong kalimutan ang mga
nabulid sa karimlan ng gabi. Si Elias o si Ibarra?
Ako, Bisaya. Ayus. Sa gulo maayos? Wala kasi tayong
alamat. Pa-isnab effect. Wala paring pangarap.
back to fiction
| home |