folk literature
Halina, Halina, Kulasisi
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino
Halina, halina, kulasising itim,
galing sa gubyernong padala ng matsing;
kung maliligo ka bukas nang madilim,
padadalhan kita ng gugong maitim.
Halina, halina, kulasising puti,
galing sa simbahang padala ng pare;
kung maliligo ka bukas nang tanghali,
padadalhan kita ng gugong maputi.
Halina, halina, kulasising pula,
galing sa simbahang padala ng kura;
kung maliligo ka bukas ng umaga,
padadalhan kita ng gugong mapula.
back to folk literature |
home |