folk literature
Isang Gabi
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino
Isang gabi,
ako’y nangarap,
namamangka ako
sa tabi ng dagat,
nakakita ako
ng isang bulaklak,
sariwa ang tangkay,
kulay rosas.
Nang lalapitan ko’t
kukunin,
biglang inilipad
ng hangin;
nais ko pa, giliw,
aking paghanapin,
kamatayan ko ma’y
langit pa rin.
back to folk literature |
home |