folk literature

May Isang Bulaklak
Mula sa Munding-Munding ni Alberto Florentino

May isang bulaklak
na ibig lumitaw,
sa balat ng mundo,
ibig paibabaw;
malalanta ito
sa patak ng ulan,
at mananariwa
sa sikat ng araw.

Sa gayong kalamig
ng sa hanging simoy,
buko’t sampung bunga’y
magsisipangluoy;
magsisipanglagas
ang sariwang dahon,
dahilan sa iyo
nang di mo paglingon.

back to folk literature | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive