Ian Rosales Casocot

Talambuhay

Hinahangaan ang paraan ng pagsasalaysay ng mga pangyayari ng isang kuwentista. Ngunit katulad ng isang normal na nilalang, mayroon ding sariling istorya ang isang manunulat ng kuwento. Isa sa mga nararapat na alamin ay ang buhay ni Ian Rosales Casocot. Nagkamit siya ng iba’t ibang parangal para sa mga akdang minahal ng mga mambabasa.

Umpisa ng Kuwento

Isinilang si Casocot noong Agosto 17, 1975 sa Dumaguete City. Nag-aral siya sa International Christian University sa Tokyo, Japan at sa Silliman University kung saan siya nagtapos ng Mass Communication. Dito rin niya kinuha ang kaniyang Masters Degree sa Malikhaing Pagsulat habang nagsisilbing bilang bahagi ng Faculty ng Department of English and Literature.

Isa rin siya sa mga nanguna sa pagsulat ng kuwentong piksyon sa National Writers’ Workshops na ginawa sa Dumaguete, Cebu, at Iligan. Naging writer-in-residence din siya para sa International Writers Program ng University of Iowa noong 2010.

Hinangaang Istorya

Niyakap ni Casocot ang kanyang angking husay sa pagsulat ng kuwento. Nakakuha siya ng ilang parangal mula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature para sa kaniyang mga kuwentong piksyon. Nakapag-uwi rin siya ng NVM Gonzales Prize habang napili naman ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang kaniyang UBOD New Writers Series noong 2003.

Ilan pa sa mga akda niyang kinilala ng iba’t ibang gawad parangal sa loob at labas ng bansa ay ang The Last Days of Magic, A Strange Map of Time, The Hero of the Snore Tango, at For the Things You Don’t Know.

Naging nominado rin sa National Book Awards ang kaniyang koleksiyon ng mga kuwento tungkol sa LGBT na tinawag na Beautiful Accidents.

Mayroon din siyang mga maikling kuwento at sanaysay na isinalin sa wikang French at nalimbag sa iba’t ibang publikasyon tulad ng Sunday Inquirer Magazine, SunStar Bacolod, The Sunday Times, at MetroPost.

Kasalukuyan din siyang kolumnista sa mga pahayagang Philippine Daily Inquirer, StarLife Magazine, at MetroPost.

Popular Posts