Maaari bang bigyan ng 10 taon na lisensya ang isang drayber kung ito ay mayroong huli o traffic violation?

Katanungan

Maaari bang bigyan ng 10 taon na lisensya ang isang drayber kung ito ay mayroong huli o traffic violation?

Sagot verified answer sagot

Ang pagbibigay ng sampung (10) taong validity ng lisensya ay para lamang sa mga motorista at drayber na may maayos at malinis na record sa Land Transportation Office o LTO.

Kaya naman kung ang lisensya ay may huli na o violation, hindi na ito maaaring pagkalooban ng sampung taon kapag ang drayber o motorista ay nag-renew.

Gaya nga nang itinuturo sa LTO bago makakuha ng lisensya, ang lisensya ay pribilehiyo at hindi Karapatan.

Laging sumunod sa batas pantrapiko, maging maingat sa daan, at maging alerto sa mga nangyayari sa paligid mo habang nagmamaneho upang ikaw ay makakuha ng 10 years validity.