organizations

UPLB SAMAHANG L.A.Y.B.

Isang Workshop ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino
Tuwing Martes at Huwebes, 7pm onwards
Gilid ng Main Library,
Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños 4031

Paano isinilang ang LAYB?

Taong 2003...

May ilang mapapalad na kaluluwa ang naimbitahang sumamba sa dilim.
Mga kaluluwang uhaw sa karanasan;
Mga kaluluwang handang tumuklas ng hiwaga ng mundo;
Mga kaluluwang nais magpahayag ng kanilang saloobin;
Mga kaluluwang naniniwala sa kapangyarihan ng pagsusulat;
Sa pamumuno at pagagabay ni Ginoong Emmanuel Dumlao, napalawig ang pananaw at kaalaman ng mga kasapi tungkol sa lakas ng kapangyarihan ng pagsusulat bilang isang mahalagang salik sa pagbuo at paghubog ng lipunan.

Bakit LAYB?

Una sa lahat, maraming kababalaghan sa layb. Maraming kwentong sex, katatakutan, kulto at iba pa, pero di alam ng marami na nagsisilbi rin itong kanlungan ng kalinangan at talino. Dito ginaganap ang lingguhang workshop sa pagsusulat. Saksi ang buwan, pati na rin ang mga halama't damo sa paligid, nagkakaroon ng matapat na pagsusuri at kritikal na pagtanaw (critique) sa mga komposisyon upang lalo pang mahasa ang kalinangan sa pagsulat.

Layunin ng LAYB:

Layunin ng LAYB na ilabas ang maliit na batang manunulat na nakatago sa ating mga pagkatao. Layunin nitong hasain ang ating natural na potensyal bilang isang manunulat. Ang LAYB ay walang pakialam kung sino ka--- mapa-mayaman, mapa-mahirap, ComArts, Agri, Bio o kahit ano pa ang course mo. Layon ng LAYB na palaguin nag ating potensyal na kaalaman sa pagsusulat para makatulong sa pagmumulat ng ating kamalayan.

Sino ang mga mapapalad na kaluluwa?

Kahit sino. Ikaw, ako, sila--- lahat nang mga gustong sumamba sa dilim. ( Hindi kami kulto. Alisin na natin sa ating mga sarili ang bias na dulot ng binary opposition ng dilim at liwanag. Walang masama sa dilim; hindi masama ang dilim.)

Basta hilig mo ang pagsusulat (tula, maikling kwento, bugtong o kahit ano pa), pwedeng-pwede kang sumali at subukan ang iyong kakayahan sa pagsulat.

Halina't sumubok. Sumamba sa dilim.

Mga publikasyon:

ILOG
Kamusta ka na kaya?
Punla

Officers:

President: Genevieve Soriano
Vice President: Paul Irvin Rivera
Documentation Head: Carmel Liria
Membership Committee Head: Czarina Blythe Brodit
Finance Committee Head: Aiza Dotong
Publicity Head: Paul Fonte

Contact Details:

Paul Irvin -- 09062550928
Pinky Soriano – 09274088856 ( prettypinx18@yahoo.com)

back to organizations | home


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive


faqs | about us | contact us

 

Hosted by: Institute of Creative Writing, UP Diliman.
©2005 panitikan.com.ph . All Rights Reserved.
Site design by swim.interactive